Agustino, handa ka na bang pumilipit ang dila mo?
Ngayong Buwan ng Wika, inihahandog sa inyo ng USA Publications ang ikatlong Wisdom Wednesday na pinamagatang, “Mga Agustino at mga Pampilipit Dila.” Nilibot namin ang buong Unibersidad at hinamon ang ilan sa mga Agustino na basahin ang mga sikat na “tongue twisters” o pampilipit dila.
Ang nasabing hamon ay nawa’y magsilibing isang paalala na nakasalalay sa atin ang responsibilidad na panatilihing buhay ang wikang Filipino, sa simpleng pakikipag-usap sa mga kaibigan man, o sa pagpapalaganap ng katotohanan. Maligayang Buwan ng Wika mula sa USA Publications!
Advertisements