#2 Wisdom Wednesdays – Kung Magiging Bukas ang Kahapon

8l9br5.png

 

Kung Magiging Bukas ang Kahapon

WordsRj Junsay
IllustrationRomari Charlz Diaz

Kung magiging bukas ang kahapon
Sana’y hindi ako bumitaw
Sa pag-asang makakaahon
Ang kung meron ang ako at ikaw

Kung magiging bukas ang kahapon
Ang mga kamay mong nanlalamig
Ay hahawakan hanggang dapit hapon
Kasabay nang malumanay na paghimig

Kung magiging bukas ang kahapon
Isasambit ng aking mga labi
Ang mga katagang sa paglao’y naibaon
Kaagapay ang mahinahong paghikbi

Kung magiging bukas ang kahapon
Sana’y sa bawat pagpatak ng sandali
Habang  lumalakas ang pag-ambon
Naglakas loob na masilayan kang muli

At kung magiging bukas ang kahapon
Pipigilin ang iyong mapayapang paglisan
Makikiusap kay Bathala sa huling pagkakataon
Na sagipin ang isang ikaw at ako ng minsan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s